POSAS

Batugan, bobo, tamad, tanga, walang kwenta. Mga salitang hindi ko na maririnig pang muli. Sa wakas magagawa ko na ang lahat ng gustuhin kong gawin. Wala nang pipigil sa gusto kong mangyare. Dahil sa ngayon wala na silang lahat! Wala na sila! Pero ano ma gagawin ko ngayon wala na sila, wala na ang mga taong magsasabi na makikirot na salita. Ngayon ako nandito nakatulala habang nakatitig sa mga puntod ng aking mga magulang at nagluluhang mga mata at hindi na naramdam na ang aking mga kamay ay naka posas na.

Mga Komento